IT'S NOT THE MOUNTAIN THAT WE CONQUER BUT OUR SELF



Anu nga bang nakukuha natin sa pag akyat ng bundok? nakakapagod, ang sakit sa katawan, delikado pa minsan.

Nung una, nagustuhan ko lang ang pag akyat ng bundok kasi nakaka ingit ung mga nakikita kong mga picture sa social midea, ang gaganda ng shots, ang daring, kaya ayon ginusto ko ding i try .

lahat ng gamit na pwedeng ilagay sa bag nilagay ko na :) kahit yung porma mukang hindi aakyat ng bundok :) nung pa punta na kami dun sa bundok na first time kong aakyatan, nakaka excite na nakaka kaba na hindi ko maintindihan , tapos nung nag start na kami mag trek papunta pala kami ng paahan ng bundok, hingal na hingal na ko , sementado tapos pataas yung daan, nakakapagod, hangang sa makapunta na kami dun sa mga limestones na , akyatan na ito, mas nakakapagod na pero hindi mo masyadong ramdam kasi mejo mataas na kami , mejo mas malamig na sya plus nakakawala ng pagod ung ganda ng tanawin ng nakikita mo , pinag mamadali nga lang kami ng guide namin na makaayat sa first view deck para daw maabutan namin ung sea of clouds kaya hindi na masyadong nakapag picture picture dun sa mga dinadaanan, pero pag dating dun sa first view deck, sulit na , para na kong nasa langit , sobrang ganda. here's a photo.
Alam nyo kung ano yung masarap na feeling pag nasa bundok ka ? parang lahat ng taong nandoon kaibigan mo , laging may "Hello, Good morning . Ingat po kayo" sa lahat ng makaka salubong mo, diba ang sarap sa feeling nung ganon ? :) at pag nasa bundok ka pala , dun mo ma rerealize kung gaano kahalaga yung mga simpleng bagay na nasa patag, yung simpleng patag na kalasada? yung malamig na tubig, yung malambot na sofa, kama? lahat yun ma rerealize mong importante pala pag nasa bundok ka .. 
moving on, ayon tuloy na ulit kami sa pag akyat siguro mga tatlong assault (akyatan,nakakapagod) nalang daw nasa summit na kami from here sa first view deck, sobrang nakakapagod lalo na pag tulad kitang hindi naman sanay sa ganitong paguran, ni hindi nga ako nakakapag jogging manlang  :)
pag umaakyat ka daw wag mo ng itanong sa guide kung malayo paba or malapit na kasi hindi pakiramdam mo hindi naman sila nag sasabi ng totoo, sasabihin sayo malapit na pero sa pakiramdam mo susuko kana, kaya much better , lakad nalang ng lakad . tapos pag nakaramdam ka ng mejo hirap ng pag hinga or mas malamig , nasa mas mataas na part na kayo meaning malapit na sa summit, konting kembot nalang :) 
 Then pag narating mo na yung dito mo na mararamdaman yung sinasabi nilang pag hihirapan mo muna talaga bago mo makamtan yung ligaya , sobrang sarap sa pakiramdam, parang wala lahat ng pagod mo sa haba ng nilakad at inakyat nyo, parang ayaw mo na bumaba, masakit na sa tuhod, eto na ung mejo nakakainis na part eh, yung kailangan pang bumaba pag umakyan ng bundok? haha, hindi na sya gaanong nakakapagod, pero lahat ng bigat ng katawan mo na ramdam na ng tuhod mo , yung na nginginig na ung mga lamad sa gilid ng buto ? nglalambot na , parang ayaw mo na humakbang pero kailagnan , thankful lang kung yung guide nyo ee pagod nadin kase pag umupo sya, upo ang lahat, (Take 5) meaning % minutes na pahinga then bakbak na naman  pa baba. sobrang nakakapagod, ang sakit sa paa, sa tuhod, ang sakit sa balat ng init ng araw.
Bakit nga ba ang sarap umakyat ng bundok? anong meron ? 
para sakin , eto ung pinaka magandang way para ma appriciate mo kung gaano kaganda ang kalikasan , kung gaano kagaling si papa God para magawa nya yung mga ganito. sobrang sayang experience, aakyat ka ng hindi mo kilala yung mga kasama mo, bababa kayo ng magkakaibigan. nung nasa tuktok na ko ng bundok, isa lang nasabi ko sa sarili ko , "UULITIN KO TO!" 

Comments

Popular posts from this blog

Mt. Pamitinan (426+) and Mt. Binacayan (424+) in Rodriguez, Rizal July 21, 2017

Mt. Marami (405+ MSAL) at Maragundon, Cavite Philippines